Sa pinakahuling advisory, sinabi ni DA spokesperson Noel Reyes na naberepika na ng kagawaran ang ASF cases sa Barangay Commonwealth, Tatalon at Tandang Sora.
Una nang nakapagtala ng kaso ng ASF sa Bagong Silangan at Payatas.
Sa ngayon ay binabantayan din ang posibleng kaso ng sakit sa ilang mga baranggay sa Bulacan at Pampanga.
Ayon kay DA Sec. William Dar, nakapagdeploy na ng karagdagang 100 staff para sa pagsasagawa ng laboratory operations at airport and checkpoint inspections sa ASF-affected areas.
Nanawagan ang kalihim sa publiko at sa pork industry na panatilihin ang kooperasyon sa kagawaran at ang pagmamatyag upang hindi na kumalat pa ang sakit.
“Thus, we call on for continued vigilance and cooperation of the industry and the general public to prevent this disease from further spreading. What’s on the line is the future of the swine industry, where 65 percent is shared by small backyard raisers,” ani Dar.
Sa ngayon ay umabot na sa 12,000 ang baboy na naapektuhan ng ASF ayon sa DA.