Ayon sa Department of Transportation (DOTr), patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga istraktura at istasyon sa bahagi ng Malolos, Guiguinto at Balagtas.
Nagsagawa aniya ng clearing at grubbing, at geotechnical investigation para sa tatlong istasyon.
Inihahanda na rin ang preparasyon sa pile cape concrete work at kumpirmasyon ng borehore drilling para sa Balagtas Station.
Samantala, nakumpleto na ang test pile construction works sa Malolos Station noong August 28, 2019.
Inaasahang magiging fully operational ang PNR Clark Phase 1 sa taong 2021.
Oras na makumpleto ito, mula sa dalawang oras, magiging 35 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Bulacan.
Inaasahan ding sa 300,000 pasahero ang maseserbisyuhan nito kada araw.