Hamon ng Akbayan na mag commute si Panelo, silly challenge

Kahibangan na hamon.

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa hamon ng grupong akbayan na mag commute sa trabaho araw-araw ang naturang opisyal para mabatid ang kalbaryo ng mga ordinaryong pasahero na ngayon ay apektado dahil sa pagkasira ng LRT at MRT.

“It’s a silly challenge. As I said, the daily sufferance of commuters and motorists traversing the road in going to work and returning home or going elsewhere in Metro Manila, is a given. Whether you commute or drive, one is subjected to the same vexing inconvenience and delay, as well as the loss of precious time.”, ani Panelo.

Ayon kay Panelo, kahit na mag commute o hindi sa trabaho at pauwi ng bahay, pareho parehong nakararanas ang bawat isa ng inconvenience dahil sa malalang problema sa trapiko.

Iginiit pa ni Panelo na pare-parehong nasasayang ang oras ng bawat isa dahil sa pagbiyahe sa kalsada.

Una nang hinamon ng Akbayan si Panelo na mag commute matapos sabihin na walang mass transport crisis sa Metro Manila.

Read more...