Ninja cops kabilang na si Baloyo nilaglag ni Albayalde

Inquirer file photo

Nilinaw ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na hindi niya mga “bata” ang mga pulis na tinaguriang ninja cops sa pangunguna ni Police Major Rodney Baloyo IV.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado ay sinabi ni Albayalde na dinatnan na lamang niya sa Pampanga Police Office ang si Baloyo na pinuno ng intelligence unit at ang kanyang mga tauhan.

Binigyang-diin ni Albayalde na wala siyang bitbit na mga tao nang siya ay maitalaga bilang director ng Pampanga Provincial Police Office.

Si Superintendent Raquel Linggayu sana ang kanyang ilalagay bilang intelligence head pero hindi umano niya ito nagawa dahil naka-pwesto doon si Baloyo.

Ang grupo ni Baloyo ang nagsagawa ng drug raid sa Lakeshore Subdivision sa Mexico, Pampanga kung saan ay nakakuha umano sila ng higit sa 200 kilo ng shabu pero 36 kilos lamang ang kanilang idineklara.

Sa pagdinig ng Senado ay sinabi ni Albayalde na hindi na niya kinuwestyon ang pag-relieved sa kanya sa pwesto ni dating Police Regional Office 3 (PRO3) Director Raul Petrasanta dahil ito umano ang kalakaran sa loob ng pulisya.

Ang nasabing bagay ay sinegundahan naman ni Sen. Ping Lacson na dati ring pinuno ng PNP.

Read more...