Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año nagkasundo sila ng DSWD sa pamamgitan ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa “Listahanan 3” na salain ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Tiniyak ni Año, sa pamamagitan ng “Listahanan 3”, makatitiyak umano ang publiko na sa totoong mga mahihirap at nangangailangang pamilya lamang maihahatid ang tulong mula sa pamahalaan.
Ang pagpasok ng DILG sa usapin ay base na rin sa napapaulat na may mga beneficiary ng 4Ps ang hindi totoong mahirap.
Sa latest na datos ng DSWD aabot sa 144 cities at 1,483 municipalities sa 80 provinces naipapatupad ang 4Ps, na pinakikinabangan ng mahigit 4.8 milyon pamilya.