Sinabi ni MBC Vice President Elpidio “Deo” Macalma, nalimas ang kanyang mamahaling relong Rolex, mga alahas at ilang cash sa kanyang opisina.
Mismong hindi na pinangalanang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kasama umano ni Macalma nang balikan ang kanyang tanggapan.
Hindi naabot ng sunog ang opisina ni Macalma pero laking gulat nila nang madatnang nakabukas ang mga drawer at box ng kanyang mamahaling relo.
Maliban sa opisina ng radio anchor, aabot naman sa P60,000 na nakatagong cash ang nawala sa Information Technology Office ng MBC.
Naniniwala si Atty. Jularbal na nangyari ang pagnanakaw sa kasagsagan ng sunog.
Imposible rin aniya na outsiders ang salarin dahil bantay-sarado ng mga guwardiya ng MBC ang paligid ng gusali.
Mula rin noong October 2 nang mangyari ang sunog, tanging ang mga miyembro ng BFP ang maaaring pumasok sa building at pinagbawalang makapasok ang kahit na sinong opisyal o empleyado ng MBC.
Dahil dito, hihilingin ng pamunuan ng MBC na makapasok sa building at makapagsagawa ng inventory sa mga opisinang hindi naapektuhan ng sunog.