Sa volcano bulletin na inilabas ng Phivolcs, alas 8:00 ng umaga nakapagtala ng 19 na volcanic earthquakes sa Taal sa nakalipas na 24 na oras.
Isa dito ay naitala alas 5:28 ng hapon ng Martes, Oct. 9 kung saan naramdaman ang Intensity 1 sa bahagi ng Pira-piraso sa Northern sector ng Volcano Island.
Sa ngayon sinabi ng Phivolcs na hindi naman banta ang pagkakaroon ng hazardous erruption sa bulkan.
Pero ayon sa Phivolcs, mananatiling off-limits ang main crater nito dahil sa pagkakaroon ng posibilidad ng steam explosions.
MOST READ
LATEST STORIES