P10M halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust sa Toledo City, Cebu

Mahigit P10 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Toledo City, Cebu.

Unang naaresto si Jefferson Artes, 39 anyos Martes (Oct. 8) ng gabi sa Barangay Das.

Nakuha sa kaniyang ang 30.4 grams ng ilegal na droga na may halagang aabot sa P206,720.

Ala 1:00 ng madaling araw naman ng Miyerkules, Oct. 9 ay naaresto ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit si Dandelo Cabajar.

Nakuha naman kay Cabajar ang 1.4 kilograms ng shabu na tinatayang aabot sa P9.96 million ang halaga.

Ayon sa Toledo City police, si Cabajar ay high-value target sa provincial level.

Read more...