Emergency meeting ipinatawag ng House Transportation Committee

Ipinatawag ni House Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento ang lahat ng stakeholders sa sektor ng transportasyon para sa isang emergency meeting

Ito’y sa gitna ng mga pahayag na may krisis sa transportasyon kasunod ng suspensyon ng operasyon ng LRT-2 at matinding traffic sa South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Sarmiento, kailangang mahanapan ng agaran at praktikal na solusyon ang problema.

Hindi aniya pwedeng hayaan na lang magdusa ang commuters dahil sa suspensiyon ng operasyon ng LRT-2 at ang mga motorista dumadaan sa SLEX dahil sa nakasarang bahagi nito.

At dahil tatagal ng siyam na buwan ang tigil-operasyon ng Santolan-Anonas segment ng LRT 2, iginiit ng kongresista na dapat mabigyan ng alternatibong transportasyon ang aabot sa dalawang daang libong apektadong pasahero

Imbitado sa hearing ang mga opisyal ng DOTr, LTFRB, LRTA, MMDA, DILG, DPWH, PNP-HPG, LRMC, pamunuan ng SLEX at city bus operators.

Read more...