Mga bugok na pulis, hudas kay Pangulong Duterte ayon kay Senator Gordon

Sinabi ni Senator Richard Gordon na maituturing na hudas kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bugok na pulis.

Paliwanag ni Gordon unang itinaas ni Pangulong Duterte ang sweldo ng mga pulis para maputol na ang mga ilegal na pinagkakakitaan.

Ngunit may ilan pa rin bugok sa hanay ng pambansang pulisya kaya’t aniya masigasig nilang iniimbestigahan ang operasyon ng ‘ninja cops.’

Dagdag pa ni Gordon maging ang sambayanan ay tinatalikuran ng mga tiwaling pulis dahil pera ng taumbayan ang ipinangsusuweldo sa kanila.

Read more...