Kani-kaniyang selfie at pictorial sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea ang mga flight attendants ng dalawang airlines na lumapag kamakailan sa artificial island na nilikha ng China.
Sa website na fark.com, ipinakita ang mga larawan ng mga flight attendants na nagselfie at kani-kaniyang pose sa itinayong airtrip ng China sa bahagi ng Spratlys Island na sakop ng territorial dispute.
Kamakailan ay lumapag sa nasabing bagong tayong airstrip ang dalawang civilian airlines ng China.
Unang inilabas ang larawan ng dalawang magkatabing eroplano.
Noong January 6, unang lumapag sa airstrip ang China Southern Airlines galing Haikou at dumating sa Fiery Cross Reef alas 10:20 ng umaga.
20-minuto ang nakalipas ay sumunod na dumating ang Boeing 737 na galing naman sa Hainan Airlines.
Ang dalawang eroplano umalis din noong tanghali ng January 6. Pero bago umalis, nakapag-picture pa ang mga crew ng dalawang eroplano.