Nasunog ang pagawaan ng sako sa Barangay Maysan, Valenzuela City pasado alas 6:00 ng umaga kanina (Lunes, Enero 11).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Valenzuela City Bureau of Fire Protection Chief Supt. Jonas Silvano, posibleng faulty electrical wiring sa mga makina na ginagamit sa paggawa ng sako ang pinagmulan ng apoy.
Ganap na alas 6:38 ng umaga nang itaas sa ika-apat na alarma ang sunog.
Partikular na napinsala sa sunog ang mga makina, raw materials, maging ang bubong ng segment kung saan hinahabi ang sako.
Isa sa may-ari ng nasunog na ‘FU HAO Sacks manufacturing corporation’ ay nakilalang si Anson Sy.
Wala namang nasaktan sa sunog na idineklarang fire under control alas 6:57 at tuluyang naapula alas 7:18 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES