No. 2 drug personality patay sa enkwentro sa Quezon City

Patay ang No. 2 drug personality matapos mauwi sa enkwentro ang buy bust operation sa Novaliches, Quezon City Martes ng gabi.

Dead on the spot ang suspect matapos umano itong malaban sa mga pulis sa operasyon sa Barangay Sta. Monica alas 11:00 ng gabi.

Sa ikinasang operasyon ay nakuha sa suspect ang 8 sachet ng umanoy shabu.

Ayon sa pulisya, bago maaresto ay nagpaputok ang suspect kaya gumanti ang otoridad na naging dahilan ng pagkamatay ng lalaki.

Ang suspect ang sinasabing nagbebenta ng droga sa mga tricycle driver sa lugar at kalapit na mga barangay.

Narekober sa crime scene ang kalibre .38 ng suspect.

 

Read more...