4 timbog sa buy bust sa Makati

Nasa kustodiya ng Makati City Police ang apat na katao na naaresto sa buy bust operation sa Barangay Cembo, Makati City Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, kasama sa mga naaresto ang isang menor de edad na babae.

Target ng operasyon ang isang alyas Patrick at nang makabili ang poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu ay agad inaresto ang suspect.

Inaresto naman ang tatlong iba pa na naabutan sa lugar ng operasyon.

Nakuha sa mga suspects ang 55 maliit na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P27,500.

Kakasuhan ang mga suspects ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...