High-value target arestado sa buy-bust operation sa Zamboanga City

Isang senior citizen na itinuturing na high-value target ang naaresto ng pulisya sa buy-bust operation sa Zamboanga City.

Sa impormasyon ng Police Regional Office 9 na inilabas Martes ng gabi, nakilala ang suspek na si Emma Gapur, 60 anyos at residente ng Brgy. Campo Islam sa lungsod.

Naaresto ang suspek makaraang magbenta sa poseur buyer mula sa regional drug enforcement unit ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Nakuha mula kay Gapur ang isang small at isang large size plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Nakakulong  ngayon ang suspek sa Zamboanga City Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa rito partikular ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...