M3.5 na lindol naitala sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Occidental Mindoro alas-3:13 Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 17 kilometro Hilagang-Kanluran ng Abra de Ilog.

May lalim ang pagyanig na 134 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...