LOOK: Facial composite ng mga suspek sa pagdukot sa British national at asawang Pinay

PNP-PRO 9 photos

Inilabas ng pulisya ang facial sketches ng tatlong suspek sa pagdukot sa isang British national at asawa nitong Pinay sa Tukuran, Zamboanga del Sur noong nakaraang linggo.

Magugunitang dinukot sa sariling beach resort ang mag-asawang sina Allan at Wilma Hyron.

Sa Facebook post ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office Martes ng hapon, makikita ang facial composite ng isang lalaki na pinaniniwalaang nasa 25 hanggang 30 anyos.

Isa ang lalaki sa dalawang nag-check in bilang guest sa Hyron’s Beach Resort.

Isa pang larawan ng lalaki na nasa edad 55 hanggang 60 anyos ang inilabas.

Ang naturang lalaki ang umano’y nagsakay sa mga biktima sa isang motorized banca.

Una nang inilabas ng pulisya ang facial sketch ng isang lalaking namataan sa CCTV at itinuturing ngayong person of interest.

Handa ang provincial government ng Zamboanga del Sur na magbigay ng P1 milyon pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang mga suspek at mailigtas ang mga biktima.

 

Read more...