Mayor Vico: Mga empleyado na nagpabaya sa kawalan ng sewage treatment plant ng Razon’s mananagot

Naniniwala si Pasig City Mayor Vico Sotto na may nakikinabang sa lokal na pamahalaan kaya napabayaan na walang sewage treatment plant ang ipinasarang Razon’s Food Corporation.

Nangako si Sotto na may mananagot na empleyado o opisyal ng Pasig City Local Government dahil sa pagpapabaya sa iligal na gawain sa planta ng Razon’s.

“Ang nakakalungkot dito may mga inspektor kami sa loob ng lokal na pamahalaan na pumupunta dito at for ilang years hinahayaan nila. Mananagot yung mga empleyado na ‘yun,” ani Mayor Vico.

Bago gunitain ang kanyang ika-100 araw na panunungkulan araw ng Martes, pinuntahan ni Sotto ang planta ng naturang establisyimento dahil sa polusyong dulot nito.

Ayon sa alkalde, pati ang dugo ng baboy na mula sa Razon’s ay dumidiretso sa drainage ng lungsod.

 

Read more...