3 umanoy rebelde arestado sa Northern Samar

Naaresto ng militar ang tatlong umanoy mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Las Navas, Northern Samar.

Nakilala ang mga umanoy rebelde sa sina Anton Manoso alyas Tito, Edwin Picson alyas Bunay at Rey Christian Sabado alyas Nads.

Timbog ang tatlo sa operasyon ng 20th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay San Jorge.

Nakuha sa mga ito ang isang 9mm na baril, isang hand greande at isang .45 kalibre na may mga bala.

Nabatid na si Sabado ay sectoral deputy political instructor ng sub-regional committee ng NPA habang si Manoso ay unit militia member.

 

Read more...