Ito ay matapos lumabas ang mga pahayag ukol sa pagkakaroon umano ng mass transport crisis ng Pilipinas dahil sa kaliwa’t kanang aberya sa Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT-1 at LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Sa inilabas na pahayag, inamin ng DOTr na 20 taong huli ang Pilipinas pagdating sa transport infrastructure.
Ito anila ang rason kung bakit sinimulan ng DOTr, sa ilalim ng administrasyong Duterte, ang pagbuo ng catch-up plan para sa construction at operationalization ng iba’t ibang transport infrastructure project sa sektor ng aviation, railways, road at maritime.
Kasama rito ang Metro Manila Subway, MRT-7, LRT-1 Cavite Extension, LRT-2 East Extension, Philippine National Railway (PNR) Clark Phase 1, Common Station, PNR Calamba, PNR Bicol, LRT-2 West Extension, Subic-Clark Railway at Mindanao Railway.
Sa ngayon, aabot na sa 64 airport projects sa buong bansa ang nakumpleto. Nasa 133 na proyekto naman ang patuloy na ginagawa.
Dagdag pa ng ahensya, sa proseso ng paglutas sa 20 na taong infrastructure backlog, hindi agad masosolusyunan ang mga nararanasang problema sa transport system.
Sa halip, sinabi ng DOTr na unti-unting mararanasan ang mas maayos na biyahe ng mga commuter.
Kasabay ng nangyaring sunog sa LRT-2, hinikayat din ng DOTr ang publiko na ipamalas ang bayanihan sa halip na magturuan o magsisihan sa nangyaring insidente.