Sa tala ng Department of Transportation (DOTr) hanggang Martes, October 8, nasa kabuuang 1,082,452 na pasahero ang naisakay ng 15,541 na bus.
Samantala, umabot na sa 16,788 na biyahe ang nagawa ng mga bus sa proyekto.
Nagsisimula ang serbisyo ng proyekto mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 9:30 ng umaga sa MRT-3 North Avenue station patungong Ortigas at Ayala Stations.
Katuwang ng DOTr sa proyekto ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Alpha at Bravo teams.