Halos walong oras ang ginawang kilos protesta ng mga taga suporta ni Vice President Leni Robredo sa harap ng Korte Suprema para bantayan ang gagawing pag-anunsyo sa naging pasya ukol sa election protests na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos.
Nagsimula ang kilos protesta bandang alas-8:00, Martes ng umaga at natapos ang kanilang programa pasado alas-3:00 ng hapon.
Isinara naman ang kahabaan ng Padre Fuara Street, Ermita Manila para bigyan daan ang programa ng mga nagrarally.
Agad naman naging passable ang nasabing kalye sa mga motorista matapos mag disperse ang grupo.
Umula’t umaraw, ay tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang programa ng mga supporters ni Robredo.
May mga nagbigay din pagkain sa mga tao na sumama sa nasabing kilos protesta.
Maghapon din na nakabantay ang hanay ng mga pulis para matiyak ang siguridad ng mga nag rarally.
Ayon sa Manila Police District (MPD), umabot ng 1,800 ang kabuuang bilang ang sumama sa kilos protesta.