Ayaw nang makialam ng Palasyo ng Malakanyang sa electoral protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos laban kay Vice President Leni Robredo dahil sa pagkatalo sa 2016 Vice Presidential Race.
Pahayag ito ng Palasyo matapos ipagpaliban ng Korte Supreme sa October 15 ang deliberasyon sa electoral protest.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bahala na ang Presidential Electoral Tribunal na magpasya sa kaso.
Ayon kay Panelo, ano man ang maging desisyon ng PET ay kakatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Palagi naman aniyang nakaangkla ang pangulo sa mga nakasaad sa batas.
Sinabi pa ni Panelo na hindi pakikialaaman ng sangay ng ehekutibo ang awtoridad at kakayahan ng pet.
Pakiusap ng Palasyo sa PET, magdesisyon base sa mga inilatag na ebdiensya.