Umabot sa apatnapu’t tatlong pamilya ang apektado matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Estrada St., kanto ng Dagonoy, Sta. Ana, Maynila, araw ng Martes, Oct. 8
Nasa labing apat na bahay ang natupok ng apoy sa nasabing sunog.
Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy pasado alas dose ng tanghali na nagsimula sa tatlong palapag na bahay sa Iridium street na pag aari umano ng isang Dina Uñalivia.
Dahil gawa sa light materials ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.
Ganap na ala-1:55 ng hapon nang ideklara ng BFP na fire out ang sunog.
Isang lalaking residente naman ang nagtamo ng minor injury sa braso at tuhod na agad namang nalapatan ng lunas ng Philippine Red Cross.
Patuloy pa ring ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang sanhi ng sunog at kabuuang pinsala nito.