Magalong ipinagtanggol ni Sotto sa pagkakabunyag sa ninja cops

Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi dapat sisihin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagkakasiwalat ng kontrobersya sa ninja cops.

Sa isang forum sa Manila Hotel, inihayag ni Sotto na dapat sisihin ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang Senado at hindi si dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Magalong.

Pinilit lamang aniya si Magalong na magsalita sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu

Sinabi pa ni Sotto na walang intensyon si Magalong na idawit si Albayalde sa isyu ngunit nabunyag ito matapos tanungin ng mga senador ang isyu sa drug recycling sa New Bilibid Prison (NBP).

Matatandaang naidawit ni Magalong si Albayalde nang tanungin ng mga senador sa executive session ukol sa isyu.

Read more...