Apat na milyong mga bagong botante naidagdag sa listahan ng Comelec

Inquirer file photo

Mahigit apat na milyong katao ang nagparehistro bilang mga bagong botante ng bansa, matapos ang ginawang voter’s registration ng Commission on Election (Comelec).

Ito ay base sa datos Comelec mula sa Election and Barangay Affairs Department (EBAD).

Mula sa nasabing bilang, 3,082,396 nito ay mga regular voters o nasa edad 18 years old pataas at ang 1,014,607 ay ang bilang ng mga nagparehistro para sa sanggunian kabataan.

Mas maraming mga babae ang nagparehistro na umabot ng 2,150,259, habang nasa 1,946,744 naman ang mga lalake.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, umabot ng 152% ang kabuuang turnout ng mga bagong regular registered voters ng bansa.

Ibig sabihin nahigitan ang inaasahang bilang ng komisyon na nagparehistro sa buong bansa.

Sinabi ni Jimenez na muling bubuksan ang voter’s registration sa publiko kung ipagpapaliban ang 2020 barangay election.

Aniya hihintayin muna nila ang maggiging pasya ng kongreso ukol sa 2020 Barangay at SK election, bago maganunsyo ang komsiyon kung itutuloy voter’s registration.

Ang Comelec voter’s registration ay sinimulan noong unang araw ng Agosto at nagtapos sa buwan ng Setyembre a-30 ngayong taon.

Read more...