Publiko pinakakalma sa ikinakasang kasunduan ng Pilipinas at Russia sa nuclear power plants

Hindi pa pinal.

Ito ang naging tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa memorandum of intent na nilagdaan ng Pilipinas at Russia kaugnay sa planong pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, proposal pa lamang ang ginawa ng Pilipinas at Russia.

Ibig sabihin, tatalakayin pa lamang kung feasible ang nasabing proyekto.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kukunsultahin niya muna ang kongreso at ang Department of Justice (DOJ) kung hindi labag sa konstitusyon ang pinasok na kasunduan ng Pilipinas sa Russia.

Una rito, sinabi ni senador Sherwin Gatchalian na mapanganib ang pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa dahil kinakailangan na may nakalatag na safeguards para rito.

Read more...