Ang grupo ay mga tagasuporta ni Robredo na nananawagan na maaksyunan na sa lalong madaling panahon ang kinakaharap nitong electoral protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos.
Pasado alas 8:00 ng umaga nang magsagawa ng pagro-rosaryo ang mga Robredo supporter.
Mayroon silang inilagay na altar na may poong Birheng Maria ang mga grupo.
Kabilang sa mga nagtipon-tipon ay ang Bantay Nakaw Coalition. Inaasahan namang darating ang ilang pang grupo at personalidad maya-maya.
Ang Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal o PET ang dumidinig sa electoral protest ni Marcos laban kay Robredo.
Inaabangan kung may ilalabas nang pasya ang PET, na magsasagawa ng deliberasyon ngayong araw ukol sa initial recount sa tatlong lalawigan sa protesta ni Marcos laban kay Robredo.
Magkakaalalaman din kung papagayan ng PET ang hiling na recount ni Marcos, na tinalo ni Robredo noong 2016 vice presidential race.
Umaasa ang mga tagasuporta ni Robredo na papabor ang Mataas na Hukuman sa bise presidente.