16 na volcanic earthquake naitala sa Taal Volcano sa magdamag

Nakapagtala ng 16 na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.

Base sa inilabas na volcano bulletin ng Phivolcs, ang pagyanig ay naitala mula kahapon ng umaga hanggang umaga ng Martes (Oct. 8).

Dahil dito, sinabi ng Phivolcs na nananatili ang alert level 1 sa Taal Volcano.

Pinapayuhan pa rin ang publiko na ang main crater nito ay off-limits dahil maaring magkaroon pa rin ng pagbuga ng abo.

Ang northern portion ng main crater rim sa bisinidad ng Daang Kastila Trail ay delikado din sa pagkakaroon ng steam emission.

Ayon sa Phivolcs ang buong Volcano Island ay itinuturing na Permanent Danger Zone (PDZ) at mahigpit na ipinagbabawal ang permanent settlement.

Read more...