Sakop ng kautusan ang BLISS housing sa lungsod.
Base sa nilagdaang memorandum ni Sotto, inaatasan nito ang Pasig Housing Regulatory Unit na itigil ang pagpapataw ng compounding penalties sa mga delinquent payers.
Ito ay dahil wala umanong legal at contractual basis ang pagpapataw ng naturang penalties.
Ani Sotto, maraming nababaon sa utang dahil sa polisiya na ilang taon nang ginagawa pero wala palang basehan na batas o ordinansa.
Epektibo ngayong araw, Oct. 8 sinabi ni Sotto na flat penalty na lang sa bawat buwan na huli sa pagbayad ang ipatutupad.
Ang nasabing flat rate ay 3 percent na penalty sa bawat buwan ng delinquency.
Pinagaaralan din ng Task Force Pabahay ng Pasig ang pagpapababa pa ng penalty at monthly payment sa mga pabahay.