Angkas nag-alok ng libreng sakay sa mga pasahero ng LRT-2

May alok na libreng sakay ang motorcycle ride hailing app na ‘Angkas’ sa mga pasahero ng Light Rail Transit line 2 na apektado ng limitadong operasyon ng mga tren.

Sa abiso ng Angkas, ang libreng sakay ay mula ngayong Martes (Oct. 8) hanggang sa Huwebes (Oct. 10) mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang libreng sakay ay mula sa Santolan station ng LRT-2 hanggang sa Recto station at pabalik.

Ibinahagi din sa Facebookp page ng Angkas ang pag-avail ng mga pasahero ng LRT-2 sa nasabing libreng sakay.

Martes ng umaga ay halos 40 riders ang nasa Santolan station para magbigay ng libreng sakay.

Read more...