Cancelled flights ngayong araw, Oct. 8

MIAA photo
Ilang biyahe ng eroplano ang nakansela ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa abiso ng Manila International Airpot Authority (MIAA), kanselado ang ilang flights dahil sa sama ng panahon.

Unang nag-anunsyo ng kanselasyon ang Philippine Airlines.

Kinsela ng PAL ang kanilang flight PR 111 Guam to Manila.

Ayon sa MIAA, ang mga apektadong pasahero ay agad din namang isasakay sa susunod na available na flight.

Read more...