Drug personality arestado sa Iligan City

Naaresto sa Iligan City ang isang target na drug personality.

Nadakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 10, Camiguin Provincial Office at Lanao del Norte Provincial Office.

Kinilala ang naarestong suspek na si Faiz Mocsir Hadji Malik alyas Mohammad Faiz Hadji Malik.

Nadakip ang suspek sa Brgy. Santiago, Iligan City.

Nakuha sa kaniya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa 6 na gramo.

Tinatayang nasa P42,000 ang halaga ng ilegal na droga na nakuha sa suspek.

Read more...