Pangulong Duterte dumalaw sa anak na si Kitty sa ospital

Matapos mapabalitang nasa ospital dahil sa sakit na dengue, nagbahagi ng videos sa kaniyang INstagram ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica Duterte habang siya ay naka-confine sa pagamutan.

Sa kaniyang Instagram Story nag-post ng tatlong videos si Kitty habang siya ay nasa ospital.

Naka-dextrose si Kitty habang nasa hospital bed.

Sa isang video makikita si Pangulong Rodrigo Duterte na nakaupo sa isang bahagi ng hospital room.

Ang nasabing mga video ay orihinal na ibinahagi sa Instagram ng account name na “N00bumi” kagabi.

Pero ibinahagi din ito ni Kitty sa kaniyang IG story.

Una nang kinumpirma ni Senator Bong Go na tinamaan nga ng dengue si Kitty.

Si Presidential Spokesperson Salvador Panelo naman ay tumangging kumpirmahin ang pagkakaroon ng dengue ni Kitty dahil hindi umano sumagot sa kaniya ang pangulo ng tanungin niya hinggil dito.

Read more...