Mga pork products na ban sa Luzon nagkalat sa mga pamilihan sa Cebu

CDN photo

Sa gitna ng banta ng African Swine Fever (ASF), naglipana sa mga palengke sa Cebu ang mga pork products na ipinagbawal sa Luzon.

Ayon sa ASF Task Force, inamin ng ilang tindero na tila nakikipag-taguan sila sa mga otoridad dahil sa mga pork products na galing sa Luzon.

Patuloy ang monitoring ng task force sa mga tindahan dahil itinatago ng mga tindero ang mga produkto sa kanilang mga pwesto kapag may inspeksyon.

Noong nakaraang linggo ay ilang pork products ang nadiskubre sa mga tindahan sa Talisay City.

Paliwanag ng mga tindero, hinihintay lang naman nila ang kanilang mga suppliers para sa pull-out ng mga produkto at ibalik ang mga ito sa mga manufacturers sa Luzon para hindi na sila magbayad ng shipping cost.

Pero binalaan ng task force ang mga tindero na sa susunod na punta nila ay kukumpiskahin na ang mga pork products.

Una nang nagpatupad ng lalawigan ng ban sa pagpasok ng mga baboy at pork products mula Luzon dahil sa ASF.

 

Read more...