Arestado naman ang nasa 18 na lalaking Chinese nationals at 11 Filipinong empleyado ng estiblisyimento.
Ayon kay Makati Police chief Sr. Supt. Rogelio Simon, ni-raid ang hindi pa pinangalanang hotel matapos ang tip na isa itong prostitution den.
Nakuha sa lugar ang ilang kahon na naglalaman ng mga condom na may Chinese markings, mga lighter at mga damit na mga pambabae at costumes.
Nabatid na online ang transaksyon kung saan nagkakaroon na ng booking sa mga babaeng Chinese at pagdating ng customer sa hotel ay sasabihin na lamang nito ang numero ng babae.
Nakita sa hotel ang locator chart o white board kung saan naroon ang booking ng mga babae.
Karamihan umano sa mga parokyano ng mga babae ay mga lalaking Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon sa pulisya, wala namang menor de edad sa mga babae pero susuriin pa ang kanilang mga dokumento kung mayroon silang mga kaukulang permit para magtrabaho sa bansa.
Nahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking Act of 2003 at ipapasara ang hotel.
Ito na ang ikaapat na pagsalakay ng otoridad sa mga establisyimento na hinihinalang prostitution den at kung saan mga Chinese nationals ang nagtatrabaho at customers.