Malacanang payag na isalang sa lifestyle check ang mga pulis

JANUARY 29, 2018
Members of the Philippine National Police gather at Camp Crame headquarters during the 27th PNP foundation day celebration.
EDWIN BACASMAS

Pabor ang Malacanang sa hirit ni Senador Richard Gordon na isalang sa lifestyle check ang mga pulis sa bansa.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, magandang hakbang ito para mabusisi ang uri ng pamumuhay ng mga pulis.

Sinabi ni Panbelo na ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP ang dapat na magsagawa ng lifestyle check sa mga pulis.

Una nang idiniga ni Gordon na isalang sa lifestyle check ang mga pulis matapos masangkot ang pangalan ni PNP chief Oscar Albayalde sa operasyon ng illegal na droga.

Nauna nang itinanggi ni Albayalde ang mga paratang sa kanya at handa umano siyang sumalang sa anumang uri ng imbestigasyon.

Si Albayalde ay nakatakdang mag-retiro sa susunod na buwan.

Read more...