Albayalde: Mag-move on na tayo sa isyu ng ninja cops

Jan Escosio

Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang publiko na mag-move on na sa isyu ng pagkakasangkot niya sa kontrobersya sa drug recycling o ninja cops.

Sa press briefing sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna sinabi ni Albayalde na nagsalita na ang pangulo ukol sa isyu.

Inihayag ng pangulo na kailangan munang magpakita ng matibay na ebidensya laban sa PNP chief bago magdesisyon sa gagawing aksyon dito.

Tiniyak naman ni Albayalde sa publiko na patuloy pa rin ang kampanya ng PNP laban sa krimen, ilegal na droga at mga tiwaling pulis.

Read more...