Balak nang higpitan ng Commission on Elections ang mga campaign materials ng mga kandidato sa susunod na eleksyon.
Partikular na nais tutukan ng Komisyon ang mga campaign materials na may mga katagang ‘donated by friends’ na nakalathala sa mga campaign materials.
Kalimitang nakalulusot ito sa regulasyon ng Komisyon dahil itinatanggi ng mga kandidato na sa kanilang partido nagmula ang mga naturang campaign materials.
Sa ilalim ng draft implementing rules and regulations para sa May 9 Fair Elections Act,kailangang may kaakibat na ‘written acceptance note’ ng kandidato o ng party treasurer ang mga ‘donated campaign materials.’
Bukod dito, laman din ng draft IRR ang pag-alis ng “aggregate” time limit sa mga broadcast election material.
Batay sa dokumento, ang mga kandidato o partido na tumatakbo sa national position ay mabibigyan na ng hindi lalampas sa 120-minuto ng TV ads bawat istasyon.
Sa radyo naman, bibigyan ang mga ito ng 180-minuto bawat himpilan.
Sa lokal na posisyon, ang mga kandidato ay bibigyan ng hindi lalampas sa 60-minuto na TV ads placement bawat istasyon at 90-minutos sa radyo.