Iba pang kumpanya ng langis magpapatupad ng rollback sa kanilang produkto bukas

Nag-anunsyo na rin ng ipatutupad ng rollback sa kanilang produkto ang iba pang kumpanya ng langis.

Bawas na P1 ang ipatutupad sa kada litro ng diesel, 80 centavos sa kada litro ng gasolina, at P1.15 sa kada litro ng kerosene.

Epektibo alas 12:01 ng madaling araw ay unang magpapatupad ng rollback ang Chevron Philippines.

Susundan ito ng iba pang mga kumpanya gaya ng Shell, Perron, at Seaoil alas 6:00 ng umaga.

May pareho ding halaga ng rollback sa kanilang diesel at gasolina ang PTT.

Ang Cleanfuel at Phoenix petroleum ay nauna nang nagpatupad ng rollback noong Sabado at Linggo.

Read more...