Humingi ng paumanhin sa publiko si Mayor Benjamin Magalong sa abalang maaring maidulot ng mahigpit na seguridad at pag-iinspeksyon sa mga may transaksyon sa City Hall ng Baguio.
Tiniyak ni Magalong na pansamantala lamang ang mararanasang “inconvenience” ng publiko.
Paliwanag ni Magalong ang mga nagdaang insidente hinggil sa pagtestigo niya sa senado ay nagresulta na ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay.
Bahagi ng paghihigpit ng seguridad sa Baguio City Hall ang pagsasara ng karamihan sa mga pasukan.
Tanging ang main entrance at back entrance lamang ang maaring madaanan.
Ang mga pumapasok sa City Hall ay dadaan sa matinding pagsusuri ng mga security guard, at nagtalaga din ng mga pulis sa palibot ng City Hall.