Modernized PUVs bibiyahe na mula Santolan station ng LRT-2 hanggang Legarda station at pabalik

Pinalawig ng Light Rail Transit 2 hanggang sa Legarda ang biyahe ng mga modernized Public Utility Vehicles (PUVs) galing Santolan Station.

Sa abiso ng LRT Administration, 10 point to point modernized PUVs ang bumibiyahe mula Santolan hanggang Legarda at pabalik.

Layon nitong maserbisyuhan ang mga pasahero ng LRT-2 na apektado ng tigil-operasyon ng tren.

Maliban sa mga modernized PUV ay patuloy pa ring magbibigay ng libreng sakay ang mga bus ng MMDA at Philippine Coast Guard mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.

Read more...