Holdaper na bumibiktima sa mga truck na naiipit sa traffic R-10 arestado

Naaresto ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team o SMART ang suspek na kabilang sa mga notoryus na holdaper sa mga bumibiyaheng truck na dumaraan sa Road 10, Tondo, Maynila.

Ang suspek na si Christopher Dumapi y Motol, alyasToper, 28-anyos, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Tondo ay nakumpiskahan ng panaksak nang madakip ng grupo ni P/CPT Edward Samonte sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo.

Ayon kay PMaj Rosalino Ibay Jr., ang pinuno ng SMART, ang suspek ay isa sa mga holdaper habang pinagnanakawan ang isang trak na nai-post sa social media ng isang netizen.

Patuloy ang follow up operation ng Mayor’s team upang mahuli ang iba pang kasamahan ni Dumapi.

Read more...