Sundalo patay sa pamamaril sa Marawi

Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang sundalo sa Brgy. Basak Malutlut, Marawi City, Linggo ng hapon.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Philippine Army, nakilala ang biktima na si Staff Sergeant Paul S. Polines ng 553rd Engineer Battalion.

Gamit umano ng suspek sa pamamaril ang isang .45 pistol.

Sinubukan pang isugod sa ospital si Polines ngunit idineklara ring dead on arrival.

Patuloy na iniimbestigahan ng Marawi police at PA 103rd Brigade ang insidente at pinaghahanap ang nasa likod nito.

Read more...