Presyo ng mga produktong petrolyo ini-rollback

Nagpatupad muli ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo nitong weekend.

Unang nagpatupad ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel ng rollback alas-6:00 ng umaga ng Sabado at alas-4:01 hapon ng Linggo.

Piso ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.80 naman sa kada litro ng gasolina.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis at epektibo ito bukas, alas-6:00 ng umaga.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong bawas-presyo sa petrolyo.

Read more...