M3.7 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-11:30 Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 214 kilometro Timog-Kanluran ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 426 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Dahil nasa katubigan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...