Ang parangal ay nakamit ng aktres dahil sa mahusay na pagganap bilang si Lily Cruz o Ivy Aguas sa Kapamilya-hit teleserye na ‘Widlflower’.
Kasama ng aktres sa pagtanggap ng parangal ang Wildflower production manager at director na sina Maru Benitez at Raymund Ocampo, maging ang boyfriend na si Rambo Nuñez.
Sa kanyang acceptance speech, lubos ang naging pasasalamat ni Salvador sa ABS-CBN at sa buong team ng Wildflower dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.
Binanggit din ni Salvador ang co-star na si Tirso Cruz III na gumanap bilang si Julio Ardiente.
Ayon kay Salvador, ang beteranong aktor ang tila nagbigay ng hamon sa kanya na mas galingan pa sa kanyang pagganap.
“It was an honor to be trusted with this role by our network, ABS-CBN, and the whole team of Wildflower, headed by Direk Ruel Bayani and to my directors, Direk Raymund Ocampo, Direk Cathy [Camarillo], to my boss Miss Maru Benitez, the whole team of writers for weaving the story,” ani Salvador.
“I share this recognition to all of my brilliant colleagues in the show, most especially to the veteran genius, Mr. Tirso Cruz III, who upped my game and encouraged me when I thought I had nothing more to give,” dagdag ng aktres.
Bukod sa best actress award, nanomina rin ang Wildflower sa Best Asian TV Drama category.
Ang Asia Contents Awards ay inilunsad ng Busan International Film Festival at Asian Film Market upang parangalan ang pinakamahuhusay na TV dramas sa Asya sa nakalipas na limang taon.