Sarah Lahbati, Richard Gutierrez ikakasal na sa March 2020

Inanunsiyo na nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na idaraos ang kanilang kasal sa March 2020.

Sa isang press conference, sinabi ng dalawa na isasagawa ang kasal sa Maynila.

Paliwanag ni Richard, naantala ang kasal dahil sa hectic schedule nilang dalawa ni Sarah.

Sinabi naman ni Sarah na marami siyang natutunan sa kanilang relasyon bilang mga magulang nina Zion at Kai.

Huling ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikapitong taong anibersaryo bilang magkasintahan noong buwan ng Hunyo.

Matatandaang naging engaged sina Sarah at Richard taong 2017.

Read more...