LOOK: Prenup shoot ni Sheena Halili at nobyo nito, K-drama ang tema

Napili ng aktres na si Sheena Halili at kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jeron Manzanero na Korean-drama ang tema ng kanilang prenuptial photo shoot.

Sa Instagram, tinawag ni Sheena ang photo shoot bilang K-nup kasabay ng pagiging uso ng mga K-pop at samgyupsal.

Aniya, nagkaroon sila ng ideya ukol sa nasabing tema ng photo shoot matapos dumalo sa isang bridal fair.

Sinabi pa ni Sheena na mga Koryano rin ang makakasama sa pictorial.

Naging engaged sina Sheena at Jeron noong buwang Agosto taong 2018.

Read more...