1 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Cebu City

Dead-on-the-spot ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa makaraang masagi ng truck ang motorsiklo sa Cebu City, Sabado ng gabi.

Ayon kay Patrolman William Fabillar Jr. mula sa Waterfront Police Station, binabagtas ng mga biktimang sina Reynaldo Villanueva at Filipino Lagra ang bahagi ng S. Osmeña Road sa North Reclamation Area nang biglang mag-overtake sa kanang bahagi ng 10-wheeler truck bandang 9:00 ng gabi.

Dahil dito, nasagi aniya ng truck ang motorsiklo dahilan para tumalsik ang mga biktima sa bahagi ng isang gasolinahan sa Barangay Tejero.

Agad nasawi ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Villanueva habang nagtamo naman ng mga galos si Lagra.

Dinala na ang drayber ng truck na si Richard Oliverio sa Waterfront Police Station habang inaalam pa kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima sa kaniya.

Read more...